CURFEW: 24 HOURS EFFECTIVELY.

Head of household ( kung kanino po nakapangalan ang quarantine pass) na lang po ang maaring lumabas kung kinakailangan bumili ng supplies. #stayathome

(Ref: DILG Memo. Circular No. 2020-062 RE: Suppletory LGU Guidelines on the Implementation of ECQ…




PUBLIC ADVISORY!

BARANGAY WINDOW SCHEDULE ON PUBLIC MARKET effective March 24, 2020.

(Kasama po sa schedule ang Bakal 1,2,3 at Matingkis, Talavera)




Executive Order placing the entire Science City of Munoz under State of Total Lockdown.





Sa ating mga kababayan,

Ang hinuhuli po lamang o tinitikitan ay ang mga lumalabag sa batas trapiko tulad ng kawalan o paso na driver’s license, mga hindi rehistrado o pasong rehistro na mga motor at mga walang prangkisa.

Ito po ay matagal ng batas at hindi pagsasamantala sa ating kasalukuyang sitwasyon.

Para po sa walang sariling service ngunit kinakailangan po na lumabas ng bahay para bumili ng pangunahing pangangailangan, maaari po tayong makipag-ugnayan sa ating mga barangay officials at maaari pong gamitin ang mga brgy service pero susundin parin po ang social distancing.

Ang pagdadala po ng ID sa paglabas ay mahigpit din pong ipinapayo sa lahat upang matulungan ang mga nasa checkpoint areas natin na ma-verify at macontrol ang paglabas at pagpasok sa ating lugar.

Maraming salamat po.



PARA SA KAALAMAN NG LAHAT AT MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD LALO NA PO SA MGA BUSINESS ESTABLISHMENT OWNERS SA ATING LUNGSOD.





Para po sating lahat!

Muli po, ang ating pamahalaan lalo na ang ating mga frontliners ay nakikiusap na ang bawat mamamayan sa ating lungsod ay maigting na MAKIISA at MAGING TAPAT sa pakikipag-ugnayan tungkol sa ating mga travel history or lugar na pinupuntahan. Ang atin pong lungsod ay Covid-19 free at dalangin po natin na mapanatili ito. Pakiusap po namin ay sundin po natin na ang lahat ay manatili lamang sa inyong mga kabahayan hangga’t maaari. Sundin ang curfew at iwasang lumabas kung hindi din importante/emergency. Makipag-ugnayan sa inyong barangay chairman o barangay health worker kung may katanungan o concern at Kung maaari ay itawag muna o itext upang iwasan ang paglabas ng bahay. Hangga’t maaari ay mahigpit na ipractice ang work-from-home scheme para sa may mga trabaho.

Ang Covid-19 po ay isang delikado at seryosong virus na maaaring kumitil ng buhay kung pababayaan. Ang ating pakikiisa at pagtupad sa panawagan na ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE ay napakahalaga!
Huwag po natin itong ipagwalang bahala!

Dalangin po natin ay mawala ang virus na ito at bumalik sa normal ang ating pamumuhay.

Maraming salamat po!





MULA SA PAMUNUAN NG NUEVA ECIJA PPO…

MAGANDANG GABI PO SA INYONG LAHAT. IPINAPAALAM PO NAMIN SA LAHAT NG MAMAMAYANG NOVO ECIJANO NA MAHIGPIT NA PONG IPAPATUPAD ANG ENHANCE COMMUNITY QUARANTINE O ECQ NA IDINEKLARA NG ATING MAHAL NA PANGULO SA BUONG LUZON.
MAGKAKAROON PO NG MGA CONTROL POINTS SA BAWAT ENTRY AT EXIT POINTS NG ATING PROBINSYA. SA NGAYON PINAPAYAGAN PONG MAKAUWI ANG LAHAT NG MAMAMAYAN SA KANI-KANILANG MGA TAHANAN GAMIT ANG KANI-KANILANG PRIBADONG SASAKYAN HANGGANG ALAS DOSE NG HATING GABI NG MARSO 18, 2020.
SIMULA NGAYON BAWAL NA PONG LUMABAS NG BAHAY ANG LAHAT NG TAO BATA MAN O MATANDA MALIBAN NA LAMANG KUNG KAYO AY BIBILI NG PAGKAIN O GAMOT NGUNIT NILILIMITAHAN LAMANG SA ISANG TAO KADA PAMILYA ANG MAAARING LUMABAS UPANG BUMILI NG PANGUNAHING PANGANGAILANGAN. KUNG KAYO MAN PO AY LALABAS NG INYONG MGA TAHANAN SIGURADUHIN PO NINYO NA MAY DALA KAYONG IDENTIFICATION CARD O ID.
ANG SKELETAL WORK FORCE NG MGA KUMPANYA, SECURITY PERSONNEL, NAGDEDELIVER NG MGA BASIC NEEDS GAYA NG PAGKAIN AT GAMOT AY PINAPAYAGAN DIN PONG LUMABAS NGUNIT KAILANGAN DIN PO NILANG MAGDALA NG ID SAAN MAN SILA PUMUNTA.
LAHAT PO NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN AY BAWAL NG LUMABAS O MAMASADA GAYA NG JEEP, TRICYCLE, UV EXPRESS AT BUS.
MANANATILING BUKAS SA PUBLIKO ANG MGA SUMUSUNOD:
PUBLIC MARKETS O PALENGKE, SUPERMARKET, GROCERIES, CONVENIENCE STORE, HOSPITAL, MEDICAL CLINIC, PHARMACIES, DRUG STORE O BOTIKA, FOOD PREPARATIONS AND DELIVERY SERVICES O FAST FOOD DELIVERIES, DRIVE THRU, WATER REFILLING STATION, MONEY TRANSFER SERVICES, CALL CENTERS AT BANGKO.
ANG OTORISADO LANG PO SA LANSANGAN AT SA LABAS NG TAHANAN AY ANG MGA SUMUSUNOD:
PULIS, SUNDALO, DOCTORS, HEALTH WORKERS, DOH REPRESENTATIVES, MEDICAL REPRESENTATIVES, EMERGENCY RESPONSE PERSONNEL AT MEDIA PERSONNEL.
MANATILI PO TAYO SA LOOB NG ATING MGA TAHANAN UPANG COVID-19 AY MAIWASAN.



Pakibasa po para sa mas malinaw at mas mauunawaan po nating lahat.

Manatili tyong ligtas mga kababayan!

CTTO





PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT!