Naganap ang kauna unahang GUN SHOW  dito sa lungsod nitong Disyembre 17, 2021. Ito ay tinawag na 1ST  MAYOR NESTOR L. ALVAREZ GUN SHOW. Pinamunuan ito ni Mr. Raffy Manzano, President Science City of Munoz Airsoft Team o SCAT. Ibat-ibang klase ng AIRSOFT GUN (TOYS ONLY) ang itinanghal sa naganap na palabas.  Ayon sa kanilang president, ang layunin ng naganap na gun show ay upang maipakilala ang larong airsoft sa ating mga kapwa mamamayan ng lungsod. Ang larong ito ay may sinusunod na mga safety protocols at mga rules at guidelines para sa patas, ligtas at masayang laro.

Binabati po namin ang mga miyembro ng SCAT na nanalo ng BEST IN PISTOL, BEST IN RIFFLE at BEST IN SNIPER.

Sa darating na Disyembre 28, 2021 ay magkakaroon naman po tayo ng 1st MAYOR NESTOR ALVAREZ AIRSOFT TOURNAMENT  sa barangay Villa Isla. Ito po ay para lamang  sa mga taga Science City of Muñoz. Para sa mga nais sumali ay maaari po tayong makipagugnayan kay Mr. Ivan Tirazona sa numerong 09174290258. Mabuhay po tayong lahat!