Malugod po ang pagbati ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L Alvarez, Ph.D. sa ating City Accounting Office na nagawaran ng 2019 Most Outstanding Accounting Office at 2020 Most Outstanding Accounting Office sa Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) 2021 Annual Convention- Seminar via Zoom.

 Kinikilala ng AGAP ang ating City Accounting Office na may pinakamahuhusay na kasanayan, kaayusan at mataas na kalidad na mga ulat sa pananalapi, sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA). Ang City Accounting Office ay pinamumunuan ni Mr. June Franklyn A. Fernandez, City Accountant.

 Mabuhay po kayo!

Narito po ang link: https://fb.watch/8MzmfLca5A/