Talaga nga namang pinagpala ang lunes na ito sapagkat isa nanaman pong award ang natanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ang 2021 Exemplary Payer Award kung saan ang Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. -Area 1 ay nagpapasalamat sa taos pusong suporta ng PAMAHALAAN sa pagpapanatili ng walang kapantay na pagganap ng NEECO II-AREA 1 bilang Triple A (AAA) category Electric Cooperative.

 Mahalaga ang kuryente para sa ating lahat! Hindi po ba ay kay hirap kapag wala nito? Kaya dapat ay magtipid tayo ng kuryente at magbayad ng tama. Tularan po natin ang Lokal na pamahalaan na siyang nagawaran ng ganitong award dahil sa pagbabayad ng tama, tuloy-tuloy at may ayos.

 Nagpapasalamat po kami kina Mr. Michael A. Pablo, Zone Office Supervisor at Ms. Laila J. Gabriel, District Collection and Service Officer na siyang personal na nagpunta sa ating tanggapan upang ibigay ang award na ito.