Magandang buhay mga kababayan naming mahal!

 Malinis na lungsod ay maabot natin kung malinis din ang daluyan ng tubig natin. Nitong Nobyembre 29, 2022 ay nagtungo ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama si Engr. June M. Mico ng ating City Environment and Natural Resources Office sa Manila Prince Hotel, San Marcelino St., Ermita, Metro Manila upang dumalo sa naganap na 2022 Local Chief Executives’ Forum kung saan isa sa pangunahing paksa ang Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program.

 Talaga nga namang aktibong aktibo ang ating TITA MAYORA BABY ARMI sa mas pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating iniibig na Muñoz. Puso ng isang ina na nagmamahal sa kaniyang mga anak na mamayan ng lungsod ang patuloy na nananaig. Kaya mga kababayan kitang kita ang bunga ng pagkakaisa, dahil bukod sa tahimik ay malinis, maganda at maunlad ang ating Lungsod Agham ng Muñoz.