May pahabol pa ang 2022! Nitong January 16, 2023 ay naganap ang Regional Awarding for Top Performing Provincial, City and Municipal ADACs  kung saan isa sa mga nagawaran ng pagkilala sa mga walang kapantay na pagsusumikap sa pagganap ng mga tungkulin nito sa pakikiia sa kampanya ng National Government’s Anti-Illegal Drug Campaign, at nagkaroon ng 87 functionality points sa pagsasagawa ng 2021 ADAC Performance Audit ang ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating nag-iisa, napakasipag at nakapagaling na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Kasama ng ating matulunging TITA MAYORA BABY ARMI ang ating DILG Crismelito R. Catacutan, LGOO VI at ang ating Chief of Police na si PLtCol Norman C. Cacho. Samantala ay nagawaran din ng Sertipiko ng Pagkilala si LGOO VI Crismelito R. Catacutan para sa kanyang walang kapantay na suporta at walang kapagurang pagsusumikap sa paggabay sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija sa 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit.

 Lubos ang kasiyahan ng ating TITA MAYORA BABY ARMI na nakasama niya sina Usec. Margarita Gutierrez; DILG Provincial Director LGOO VIII Atty. Ofelio A. Tactac Jr., CESO V; DILG Regional Director-R3 Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III; ang kaniyang mga kapwa Mayor at Mayora ng Pilipinas, mga opisyal at empleyado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pa.