Isang simple ngunit mapagpalang selebrasyon ang naganap kahapon Disyembre 9, 2021 sa pagdalo ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D., mga Punong Barangay at iba pang mga dumalo upang makiisa sa misa ng pasasalamat sa ating San Sebastian Parish Church para sa ating ika-21 Charter Anniversary at 9th Uhay Festival. Mabuhay po tayong lahat!

Kabilang sa simpleng selebrasyon para sa ating ika-21 Charter Anniversary at ika-9 UHAY Festival ay ang pamamahagi ng pagkain sa ating mga kababayang tricycle drivers at mga tindera sa ating Public Wet Market. Ito ay pinangunahan ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pakikipagtulungan ng Kaakibat Civicom International, Inc.