“SMARTER, STRONGER AND SUSTAINABLE CITIES BUILD GLOBAL CONNECTIONS”

 Aktibong aktibo ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa pagdalo sa 2nd Convergence of Family Servant nitong Nobyembre 10, 2022 na magtatapos sa Nobyembre 12, 2022 sa Bonifacio Hall AB, Shangri-la the Fort, Taguig City kasama ang kanyang mga kapwa Mayor at iba pang mga opisyal.

 Nagagalak ang ating TITA MAYORA BABY ARMI sa mga ganitong programa kung saan mayroon siyang pagkakataon upang lubos na makapanayam ang kanyang mga kapwa lingkod bayan, mga ambassadors at ang iba’t ibang mga opisyal ng gobyerno para sa mas lalong ikauunlad ng ating mahal na lungsod. Lubos din po kaming nagagalak sa Embahada ng Israel at Hungary na siyang malapit at matibay na kaakibat ng lokal na pamahalaan sa ating bansa at sa mga kapartner ng mga ahensya ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz tulad ng Philrice at PCC na siyang nagsasaliksik ng mga modernong teknolohiya para sa ating ikauunlad.

 Pinangunahan ni Mr. Benjamin C. Abalos, Jr., Secretary ng Department of Interior and Local Government ang isinagawang 73rd National Board Meeting kung saan tinalakay at inaprubahan ang iba’t ibang mahahalagang usapin at patakaran.