Nag-ala Kardo Dalisay ng palabas na Probinsyano ang mga lumaro at nakiisa sa ating 2nd MAYOR ALVAREZ AIRSOFT COMPETION na ginanap sa CLSU, NIA, Science City of Muñoz nitong January 14, 2023.

 Madami ang mga naggagalingang manlalaro mula sa iba’t ibang lugar ang dumalo sa masaya, nakakakaba at nakakatindig balahibong labanan kabilang dito ang grupo ng TEAM NUEVA ECIJA at TEAM PAMPANGA.

 Ang naganap na kompetisyon ay “for a cause” kung saan ang mga malillikom na pondo ay ibabahagi sa kanilang kapwa manlalaro ng airsoft na si Mr. Jet Alonzo. Naganap ang masayang kompetisyon sa patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakatalino at napakamapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ng Lungsod Agham ng Muñoz Masigasing Eagles na pinangungunahan ni Mr. Roderick Agustin at ng Science City of Munoz Airsoft Team o SCAT na pinangungunahan ni Mr. Raffy Manzano.

 Kami po ay lubusang nagpapasalamat, una sa ating Ama sa itaas na gumabay sa mga manlalaro upang sila ay manatiling ligtas at masaya, pangalawa sa ating mga manlalaro na iningatan ang kanilang mga sarili at kanilang mga kapwa habang naglalaro.

 Binabati din po naming ang TEAM NUEVA ECIJA sa inyong pagwawagi bilang BEST IN CAPTURE FLAG at BEST IN DEFUSE THE BOMB, samantala nagwagi naman ang TEAM PAMPANGA bilang BEST IN EXTRACTION sa naganap na kompetisyon.