Beng! Beng! Beng! Sapul na sapul sa ganda ang mga nakadisplay na mga airsoft gun (toys only) sa harap ng ating City Hall nitong January 13, 2023 sa naganap na 2nd MAYOR ALVAREZ AIRSOFT GUN SHOW. Naganap ang nakakaaliw na programang ito sa pagtutulungan ng ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakatalino at napakamapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ng Lungsod Agham ng Muñoz Masigasing Eagles na pinangungunahan ni Mr. Dek Fernandez at ng Science City of Munoz Airsoft Team o SCAT na pinangungunahan ni Mr. Raffy Manzano.

 Lahat ng airsoft gun na nakadisplay ay tila may kanya kanyang ganda at pagtutukoy o specification ngunit isa lamang sa bawat kategorya ang dapat Manalo kaya amin pong malugod na binabati ang mga nagwagi sa BEST IN PISTOL, BEST IN RIFFLE at BEST IN SNIPER.

 Mabuhay Muñozonian!