PABATID MULA SA ATING CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE TUNGKOL SA ESP-SAP 2nd TRANCHE.

1. Sino-sino ang maaaring makatatanggap ng 2nd Tranche ng ESP-SAP?

✅Kung kabilang ka sa nabigyan ng ayuda noong 1st tranche, at Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga kwalipikadong pamilya sa programa, at (ii) walang duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda mula sa iba pang ibang ahensya ng pamahalaan.

✅Kabilang sa Certified List of Additional Beneficiaries.

2. Anu-ano ang mga lugar sa Region III ang kasama sa makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda?

✅Lahat ng probinsya sa Region III maliban sa Aurora.

3. Magkano ang ayudang matatanggap ko sa 2nd tranche?

✅Php 6,500. Ito ay nakabase sa minimum wage ng Region III.

4. Kailan magsisimula ang 2nd tranche?

✅Ngayong Hunyo, isinasagawa ang mga sumusunod na paghahanda para sa 2nd tranche:

– Step 1. Magsusumite ang mga LGUs ng encoded at uploaded SAC forms ng mga paid beneficiaries ng 1st tranche sa DSWD Region III.

– Step 2. Magsasagawa ng validation at deduplication (15 days) ang DSWD Region III upang matiyak ang eligibility ng nga benepisyaryo.

– Step 3. Ang Validated list mula sa Region III ay sasailalim sa inter-regional deduplication (7 days) sa lebel ng DSWD Central Office. Maaaring isumite sa DOF ang listahan para ma-cross-match pa sa iba pang datos.

– Step 4. Ang Final List ay gagawan na ng Payroll at ipapamahagi na ang ayuda sa kanila sa pamamagitan ng digital payments at ng mga disbursing officers ng ahensya.

5. Paano ko malalaman kung kasali parin ang pamilya ko sa mga kwalipikadong makatanggaap ng ayuda sa 2nd tranche?

✅Maglalathala ang barangay ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng SAP.

6. Sino ang mamamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP?

✅Ang DSWD, katuwang ang Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Mananatiling nakaantabay ang DILG at ang mga LGUs upang magbigay ng kinakailangan suporta upang mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.

7. Mayroon ba akong dapat gawin upang mapabilis ang proseso ng pagtanggap ng aming ayuda para sa 2nd tranche?

✅Magparehistro sa Relief Agad App.

❗️Nasa mga larawan po ang proseso paano magparehistro sa Relief Agad App.

❗️Bagamat hinihikayat ang lahat na magrehistro sa ReliefAgad upang mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda, ang mga hindi nakarehistro ay maari pa ring makatatanggap ng 2nd tranche.

8. Maari bang makasama sa mabibigyan 2nd tranche ng DSWD ang mga empleyado na na-disqualify sa DOLE CAMP?

✅Hindi. Ayon sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, ang emergency cash subsidy sa ilalim ng DSWD-SAP ay para sa 18 milyong mahihirap na pamilyang pinaka-naapektuhan ng ECQ na kabilang sa impormal na sektor at nawalan ng pagkakakitaan dahil sa ECQ. Base sa eligibility requirements na ito, hindi kwalipikado ang mga pamilya ng mga formal sector workers sa SAP.

❗️PARA SA IBANG MGA KATANUNGAN PO AY MAAARI TAYONG BUMISITA SA ATING CSWDO MULA LUNES HANGGANG BIYERNES.

❗️IWASAN PO NATIN ANG MANIWALA SA BALI-BALITA O MAGPAKALAT NG MGA HAKA HAKA LAMANG. DUMIRETSO PO TAYO SA TAMANG TAO O TAMANG OPISINA NA NAKAKAALAM TUNGKOL SA ISANG BAGAY O ISYU.

❗️MANATILI LAMANG PONG NAKAANTABAY SA MGA OPISYAL NA WEBSITE O FACEBOOK PAGE.

ANG SCIENCE CITY OF MUNOZ PO AY MAYROON LAMANG ISANG (1) OPISYAL NA WEBSITE (www.sciencecityofmunoz.gov.ph) AT ISANG (1) FB ACCOUNT facebook.com/sciencecityofmunoz3119