Mainit po naming ipinagmamalaki ang ating SCIENCE CITY OF MUÑOZ GYMNASIUM bilang Best Venue for Theater and Concerts at binabati si Ms. KEA CHAN-Broadway, New York City na hinirang bilang Best Filipino Artist Based Abroad at ang CLSU MAESTRO SINGERS na hinirang bilang Best Choral Group sa 2022 ALIW Awards.

Ipinagmamalaki po kayo ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ. Tunay ngang nangingibabaw ang talento at galing ng bawat isa! Ipagpatuloy po natin ang pagiging isang inspirasyon sa ating mga kapwa na linangin at ibahagi ang kanilang mga talento!

Basta Lungsod Agham ng Muñoz, lungsod ng SINING at AGHAM!