“San ka punta? to the moon, Roadtrip broom broom Skrrr skrr zoom zoom”

 Lahat po ba ay nakapunta sa moon? Este sa naganap na MOTORSHOW 2022 sa ating PNP Gymnasium nitong Diyembre 11, 2022. Talaga nga namang nakakaaliw pagmasdan ang mga nag gagandahang motor na itinanghal.

 Tulad ng isang motor na pinaglalaanan ng oras, salapi, pagmamahal, asikaso at iba pa ay ganon din ang inilalaan ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa ating lungsod at mamamayan nito, walang kapantay na pag-aalaga, pag-aasikaso, oras at pagmamahal.

 Congratulations po sa mag nagwagi sa Stance Overall Champion na si JR Madriaga-No. 32, Overall Malaysian Concept Champion na si Prince De Guzman-No.04, Pantra Concept Overall Champion na si Carlo Martinez-No.10, Modified Motor Overall Champion na si Rolex Fernandez-No. 38, Vanz Concept Overall Champion na si Francis Salazar-No.64, Street Bike Concept Overall Champion na si Jay Tiger-No.70, Overall Thai Concept Champion na si Jay Tiger-No.70 at JRP Choice Award na si Jay Tiger-No.70.

 Hanga po kami sa inyong galing sa pag-aalaga at pag-aayos sa inyong mga iniibig na motor. Mabuhay po ang lahat!