“Mga Kuwentong Tibay, Pagbangon at Pasasalamat sa Pagkakalabawan,”

Halina po mga kababayan, sa pangunguna ng ating mapagmahal at matatag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay sama-sama po nating ipagdiwang ang 8th National Carabao Conference.

Nitong Nobyembre 15, 2022 ay naganap ang 8th National Carabao Conference sa DA-PCC National Headquarters and Gene Pool, Science City of Muñoz, Nueva Ecija kung saan ay itinampok ang iba’t ibang kasanayan, makabagong teknolohiya at dagdag kaalaman ukol sa industriya ng pagkakalabaw na siyang mainit na dinaluhan ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI.

Magbigay pugay sa ating pambansang hayop, ang KALABAW! Ang mga KALABAW ang siyang ating kasangga mula noon hanggang ngayon sa pagtatanim ng palay na ating pangunahing pagkain lalo na sa Nueva Ecija na siyang Rice Capital of the Philippines, maliban dito ay madami din ang pakinabang sa atin ang mga kalabaw lalo na sa gatas na nanggagaling sa mga ito na walang kasing sustansya at linamnam.

Kaya mga minamahal naming kababayan na may alagang kalabaw, atin pong pagbutihin ang pag-aalaga at pagaasikaso sakanila.

Isang matibay na pagmamahal at pagkakaisa po para sa ating lahat. Mabuhay ang mga KALABAW at mga kasing tibay ng kalabaw na humaharap ng may tapang sa lahat ng hamon ng buhay.