“Adopt a Waiting Shed Project”ay isang proyekto ng Muñoz Science City Alpha Phi Omega Alumni Association (MUSCAPOAA) No. 193. Sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz,  itinayo ang isang community waiting shed sa Tobias St., corner Bayuga St., Science City of Muñoz. Ang ribbon-cutting ceremony nitong ika-1 ng Marso ay pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. kasama ang pinuno ng MUSCAPOAA No. 193 na si PSSg Rey Brent L. Gongon at ang kanilang mga miyembro.