Ang Provincial Turn-Over ng 223 na mga Agricultural Machinery na nagkakahalagang 317M para sa mga qualified Farmer Cooperatives and Associations ng probinsya ng Nueva Ecija sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ay naisagawa ngayong araw, Oktubre 13, 2021 sa pangunguna ni Dr. Baldwin G. Jallorina, Director IV ng PhilMech kasama ang ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Nakakapagpatibay at masiglang mga mensahe  para sa mga magigiting nating magsasaka at sa mga iba pang dumalo ang inihandog nina Dr. Baldwin G. Jallorina- Director IV ng PhilMech, Usec. Ariel T. Cayanan-DA Undersecretary, Operations and Agri Fisheries Mechanization, kinatawan ni Hon. Jospeh T. Cabatbat -Representative ng Partylist MAGSASAKA, kinatawan ni Hon. Estrelita B.  Suansing- Representative ng 1st District ng Nueva Ecija, Hon. Joseph Violago- kinatawan ng 2nd District ng Nueva Ecija, Hon. Rosanna V. Vergara – kinatawan ng 3rd District ng Nueva Ecija, Hon. Maricel Natividad-Nagaño – kinatawan ng 4th District ng Nueva Ecija, Mayor Nestor  Alvarez, Ph.D.-Pinakamamahal na Mayor ng Lungsod Agham ng Muñoz, Atty. Ferdinand Abesamis, Representative ni Gov. Aurelio M. Umali, Governador ng Nueva Ecija, DIR Crispulo Bautista Jr. – Regional Executive Director, DA-RFO III at video message mula kina Sec. Willian D. Dar-Secretary ng Department of Agriculture at kay Sen. Cynthia Villa- Senator and Chairperson ng Committee on Food and Agriculture.

Ayon sa website ng PhilMech, ang RCEF ay may layunin na sumuporta sa mga magsasakang Pilipino upang mapataas and produksyon, kakayahang kumita at makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon sa pamamagitan ng paggamit ng naaangkop na teknolohiya sa produksyon at makatapos-ani.

Narito din ang mga layunin ng programa sa makinarya:

-Upang maging abot-kamay ng mga kooperatiba at asosasyon ng magssasaka ang mga angkop na makinarya sa produksyon at makatapos ani.

-Upang maitaguyod sa mga magsasakang Pilipino ang paggamit ng mabisa at nakapagpapa-babang gastos na mga makinaryang pagsasaka.

-Upang palakasin ang lokal na industriya ng paggawa ng mga makinaryang pang-agrikultura sa pamamagitan ng agresibong pagbuo at paggawa ng mga teknolohiya.

Lubos po ang pasasalamat naming lahat sa mga magigiting nating magsasaka sa kanilang pagsusumikap at pagtitiis upang makapaglahad ng sapat na bigas para sa ating mga Novo Ecijano. Saludo po kami sa inyong kabayanihan!

Pagsasaka ay paunlarin para sa bayan natin!