“Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral sapagkat iyan ang pinakamagandang pamana ng inyong mga magulang sa inyo”

– Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

 Isinagawa nitong Marso 21, 2022 ang pamamahagi ng allowance sa 737 na mga iskolar ng ating lungsod nang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

 Katuwang ang ating Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Mary Joyce D. Tambalque at City Treasurer’s Office sa pamumuno ni Ms. Rubelyn D. Cabrera ay napamahaginan ang 341 college scholars, 230 High School Scholars, 35 na mga benipisyaryo ng SDG FACES, 40 na miyembro ng SPED at 28 na SK Kagawad.

 Ang pagtulong ay hindi mahahadlangan nino man dahil nais ng pamahalaan ang pagasenso ng mga kabataan sapagkat sila ang pag-asa ng bayan.