Maayos ang isinasagawang pamamahagi ng allowance para sa ating magagaling na 977 na iskolar ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating masipag na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ nitong Disyembre 22, 2022 hanggang Disyembre 23, 2022.

 Katuwang ng ating Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Ms. Mary Joyce D. Tambalque ang City Treasurer’s Office sa pamumuno ni Ms. Rubelyn D. Cabrera sa naganap na pamamahagi sa mga college scholars, high school scholars, mga benipisyaryo ng SDG FACES, miyembro ng SPED, mga miyembro ng drum and lyre at mga miyembro ng mga dance company. Isang Maligayang Pasko po sa inyong lahat!