Maayos na naisagawa ang pamamahagi ng allowance ng mga iskolar ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Naganap ito mula Hunyo 2 hangang Hunyo 3, 2021. Mayroong kabuoang 588 na iskolar ng ating lungsod ang nakatanggap ng nasabing allowance at kabilang dito ang mga kasapi ng banda (38), mga mag-aaral sa kolehiyo mula CLSU (177) at ibang mga paaralan (15) at high school (119), mga miyembro ng dance companies (35), mga benipisyaryo ng SDG FACES (39), SK kagawad (41) at miyembro ng SPED (51).

Kasama ng mga tauhan ng Public Employment Service Office (PESO) at City Treasurer’s Office, dumalo din sa pamamahagi si Ms. Armi L. Alvarez, volunteer.

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang “Kabataan ang pag-asa ng bayan”,  kaya sa kabila ng pandemya ay patuloy tayong magtulong tulong na maitaguyod ang edukasyon ng mga kabataan ng lungsod. Sa kabila ng hirap ng sistema ng edukasyon sa ngayon ay ipagpatuloy natin ito para sa ating mga pangarap.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan