Pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. nitong Enero 21, 2021 ang pagkakaloob ng allowance mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa mga iskolar. Mayroong 593 na iskolar ang nakatanggap at kabilang dito ang mga kasapi ng banda, mga mag-aaral sa kolehiyo at high school, mga miyembro ng dance companies, mga benipisyaryo ng SDG FACES, SK kagawad at miyembro ng SPED. Ang allowance na nabanggit ay tulong upang makapag bigay ng inspirasyon at maipagpatuloy ang adhikain ng mga iskolar.