Ang huling talangkas ng ambulansiya ay ipinamahagi sa mga kapitan ng labing anim (16) na barangay; barangay ng Bical, Gabaldon, Labney, Licaong, Linglingay, Magtanggol, Maligaya, Mangandingay, Matingkis, Palusapis, Pandalla, Poblacion South, Rang-Ayan, Rizal, Sapang Cauayan at Villa Santos. Natatandaan na mayroon ng unang mga bilang ng ambulansiya ang naipamahagi sa mga ibang barangay. Ito ay pagtugon sa pangangailangan ng taong bayan sa mga oras ng sakuna, kalamidad at kagipitan lalo na ngayong may banta ng Covid 19.

Pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. kasama ang ibang opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ang pamamahagi. Kasabay ng pamamahagi, binasbasan ni Father Minardo Natividad ang bawat ambulansya ngayong Oktubre 9, 2020.