Nag parada sa Lungsod Agham ng Munoz ang tatlumpu’t pito (37) na Ambulansya nang ibat-ibang barangay ng lungsod. Ang layunin ng pagkakaroon ng ambulansya ng bawat barangay ay upang makatugon ang mga pamunuan nito sa pangangailangan ng mga nasasakupan sa anumang sakit, sakuna at mga kalamidad.

Malaking tulong sa mamamayan ng Science City of Munoz ang naturang proyekto ng Lokal na Gobyerno ng Lungsod na pinangungunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng pamunuan ng tatlumpu’t pitong barangay.