Maligayang Pasko po mga kababayan!

 Isang masaya at nakakaindak na ANNUAL LOCAL GOVERNMENT UNIT (LGU) CHRISTMAS PARTY ang naganap nitong Disyembre 21, 2022 sa ating City Hall Grounds sa pangunguna ng ating napakasipag at aktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ kung saan ang mga empleyado ay tunay na nagalak lalo na ang mga nanalo ng minor at major prizes sa ating raffle at bingo.

 Binabati po ng lahat ang mga naggagalingang empleyado na nanalo sa THE VOICE CONTEST at TIKTOK DANCE CONTEST! Talented na talented talaga ang mga empleyado ng ating Lokal na Pamahalaan!

 Hindi man nabunot sa raffle o nanalo sa bingo ay panalo naman tayo sa saya at pagmamahalan!