Nais pong ipaabot ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang lubos niyang pasasalamat sa CTG PRIME VENTURES INC., at kay Governor Oyie Matias- Umali sa pamamahagi ng Antigen Machine at Kits (1 Unit- Boditech Ichroma II Analyzer, 1 Unit-boditech Ichroma I-Chamber, 1000 Tests-Boditech Ichroma Covid-19 Antigen, at 1 pack- Yellow Tips 1000’s sa ating Lungsod.

Malaki ang maitutulong nito upang mabilis na ma-detect ang mga hinihinalang kaso ng Covid-19 sa ating Lungsod. Hindi tayo titigil hanggang sa lubusang bumaba ang ating mga kaso at tuluyan nating matalo ang Covid-19. Sama-sama! Tulong tulong! Covid-19 ay tuluyan nang sugpuin! Laban lang mga kababayan kaya natin ito!