Para po sa mga detalye, alituntunin o katanungan tungkol sa kahilingang pagsasailalim ng ating lalawigan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 16-31, 2020, mangyari lamang pong manatiling nakasubaybay sa ating official page at mga lehitimong facebook accounts o website. Dito po ilalatag ang mga detalye at ilang pagbabago sa mga alintuntunin ng MECQ mula sa ECQ.Gayunpaman, mapa-ECQ, MECQ o GCQ, tayo po ay nasa community quarantine parin kung kaya’t hinihiling po na ang lahat ay patuloy na mag-ingat at manatiling sumunod sa standard health protocols laban sa Covid19. Maraming salamat po!