Viva AGRIKULTURA!

 Alam naman natin na malaking porsyento ng LUNGSOD AGHAM ng Science City of Muñoz ang AGRIKULTURA, kaya lubos na nagagalak ang ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa naging pagbisita ni Ms. Kristine Y. Evangelista, Assistant Secretary ng Consumer Affairs at Department of Agriculture (DA) Spokesperson kasama ang Presidente ng Central Luzon State University na si Dr. Rodolfo Undan.

 Daan ang naganap na courtesy call na ito upang mapag-usapan ang mga proyekto na maaring maibaba sa atin na siyang makakatulong sa ating mahal na lungsod at mamamayan nito. Dahil walang ibang hangad ang ating TITA MAYORA kundi ang ikauunlad ng ating AGRIKULTURA!