Dumating ang humigit kumulang na 1,600 doses ng Oxford/AstraZeneca Covid-19 Vaccine para sa mga senior citizen ng Science City of Muñoz. Ang nasabing bakuna na viral vector-based vaccine (ctvnews.ca) ay ipapamahagi sa mga senior citizen ng iba at ibang barangay ng lungsod.   Ang pagbabakuna ay nagumpisa ng 8:30 ng umaga, May 12, 2021 hanggang May 15, 2021. Pinangunahan ni ABC President Alexander Natividad ang pag anunsiyo sa mga kapitan ng barangay. 

SA LAHAT PO NG SENIOR CITIZEN NA GUSTONG MAGPABAKUNA NG ASTRAZENECA, MAARI PO KAYONG MAGTUNGO SA PAG-ASA GYMNASIUM MULA 8:00AM HANGGANG 3:00PM. MAGDALA PO KAYO NG INYONG ID.

Manatili pa rin po nating ugaliin ang pagsunod sa minimum health protocols upang tayo ay hindi dapuan ng COVID-19. Palaging mag hugas nang ating mga kamay, mag suot ng face mask at face shield, panatilihin ang social distancing at manatili sa inyong tahanan. Hangad po namin ang inyong kaligtasan. 

 “Resbakuna laban sa pandemya”

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan