“Katuwang sa Tagumpay para sa Isang hangaring de kalidad na Edukasyon.”

 Ginawaran ng Pagkilala ang ating butihing MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. ng Department of Education Regional Office III na pinamumunuan ni  Dr. May Eclar, CESO III para sa kanyang maagap na pakikilahok, dedikadong suporta at tuloy-tuloy na kontribusyon ng oras, naabot at de-kalidad na edukasyon sa gitna ng mga hamon na dulot ng pandemya na Covid-19.

 Marami pong salamat sa ating Department of Education Regional Office III at DepEd Schools Division Office ng Science City of Muñoz sa inyong pagdalaw at paggawad ng isang katangi tanging award sa ating butihin at aktibong MAYOR ALVAREZ.  Nagpapasalamat din po ang pamahalaan sa ating MAYOR-ELECT ARMI L. ALVAREZ sa pagdalo sa programang ito at sa lahat ng dumalo upang masaksihan ang paggawad ng award na ito.

 Samasama at tulong-tulong nating itaguyod ang patuloy na pag-aaral  ng mga kabataan ng Lungsod Agham ng Muñoz. Dahil Muñozonian ako!Tuloy ang pangarap ko!