FREE CHEST X-RAY PROGRAM para sa mga taong nagkaroon ng interaksyon sa isang taong may tuberculosis (TB) at mga pasyente na dati nang nadiskubre na may TB. Ang programang ito ay nailunsad sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Katuwang sa pagsasagawa ng programang ito ang City Health Office  sa pamamagitan ng ating TB Coordinator Whindy Hipolito, R.N., DOH- Central Luzon Center for Health Development at ang USAID’s Tuberculosis Platforms sa pamamagitan ni Dr. Rhodora Cruz, Field Operations Area Manager ng Region III at Mr. Kristian Soliven, Community Mobilization Coordinator. Nagpamahagi din ng multivitamins ang Iris Assembly No. 24 Order of the Rainbow for Girls.

Isa sa pangunahing layunin ng programang ito ay bukod sa maagang pagtuklas kung ang isang tao ba ay may TB o wala, hangad din ng lokal na pamahalaan na mabigyang ng nararapat na tulong ang mga nasuring mayroong TB. Binibigyan din ng oportunidad ang mga tao na makasali sa Tubercolosis Preventive Therapy. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga tao ang mga dapat o hindi dapat gawin upang mas maging ligtas sa TB.

Pinapaalalahanan ang lahat na ingatan ang ating mga sarili, at alamin ang mga dapat na hakbangin upang maging ligtas sa mga sakit. Stay safe po, mga kababayan! Ito ay ginanap ng ika-3 ng Marso 2021.

#ALagangALVAREZ
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog