Ngayong araw ay sinimulan na ang pamamahagi sa Barangay Bantug, ang ika 37 na barangay na mapapamahaginan ng ikatlong ayuda o 3rd wave

(1 sako ng bigas/25 kilos) mula sa ating city government na lahat po ay personal na binisita, kinamusta at pinangunahan ng ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Sa kadahilanang pinakamalaking barangay po ang Bantug ay magpapatuloy po ang distribution hanggang bukas kasama muli sina Konsehal Rodney S. Cabrera, Konsehal Jerry Fulgencio at ABC President Alexander Natividad.

Muli, ito po ay galing sa supplemental budget na hiniling at pinaapruban ng ating punong lungsod sa ating Sangguniang Panlungsod bilang tugon sa pangangailangan nating mga mamamayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Lubos po ang ating pasasalamat sa ating national, provincial at local governments at sa lahat ng mamamayan at mga taxpayers sa ating lungsod na dahilan para maibigay at maiparamdam sa atin ang kalinga sa panahon na tulad nito.

– Mayo 11 – 12, 2020

✅Bantug

– Mayo 9, 2020

✅Magtanggol
✅Mangandingay
✅Poblacion West
✅Poblacion South

– Mayo 8, 2020

✅Maligaya
✅Poblacion North
✅Poblacion East
✔️CLSU
✔️PCC
✔️PhilRice
✔️BFAR – NFFTC & FBC
✔️Philmech

– Mayo 7, 2020

✅Bical
✅Calabalabaan
✅Palusapis
✅Matingkis
✅Catalanacan

– Mayo 6, 2020

✅Rang-ayan
✅Villa Isla
✅Linglingay
✅Gabaldon
✅Villa Santos

– Mayo 5, 2020

✅Licaong
✅Bagong Sikat
✅Cabisuculan

– Mayo 4, 2020

✅Calisitan
✅Pandalla
✅Labney

– Mayo 1, 2020

✅Balante
✅Franza

– Abril 30, 2020

✅Mapangpang
✅San Felipe
✅Rizal
✅San Andres

– Abril 29, 2020

✅Villa Nati
✅Sapang Cauayan
✅Villa Cuizon
✅Maragol

– Abril 23, 2020

✅Curva
✅Naglabrahan
✅San Antonio