Isang libong piso ang ipinamahagi ng Local Government Unit ng Science City of Munoz sa mga TODA drivers, sa pangunguna ng ating butihing Mayor na si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Ang nasabing pamamahagi ay nagsimula noong Mayo 29, 2020 sa City Treausrer’s Office.
Samantala ang pamimigay ng pension na nagkakahalagang tatlong libo para sa mga senior citizen ay nagsimula nitong Hunyo 1, 2020 na inaasahang magtapos sa Hunyo 9,2020. Ipinamimigay ang mga pension sa iba’t ibang barangay na nakatakda sa bawat araw.