Nabasbasan na ang waiting shed sa tapat ng City Hall sa Tobias St. Science City of Muñoz. Ito ay isang magkasamang proyekto  ng Tau Gamma Phi/Sigma Science City of Muñoz Council , Araullian Triskelion at ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

 Layunin ng grupo na makatulong sa ating komunidad sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad. Bukod dito ay nais nilang ipakita sa mga kabataan na ang mga fraternity  ay may disiplina, pagtutulungan, pakikipagkaibigan at pagmamahal sa kapwa at sa bayan.