#AlikabokNOMORE #TagtagNOMORE para sa Barangay Villa Cuizon sa kanilang BAGONG SEMENTADONG DAAN!

Isa na namang maayos at maginhawang paglalakbay ang handog ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa walang humpay na pagnanais ng ating  Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., na patuloy na maisaayos ang ating lungsod.

Malugod po naming ibinabalita na sementado na ang 0.8 kilometrong kalsada sa Villa Cuizon na binasbasan nitong Marso 23, 2021. Lubos ang pasasalamat ng ating tanggapan sa pakikiisa at pakikipag-ugnayan ng Barangay Villa Cuizon upang mas maging maayos ang paglilingkod natin sa mga mamamayan.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan