Kasalukuyan ang pag-iikot ng pwersa ng ating City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) kasama ang City ENRO, City Engineering’s Office, BFP at PNP para sa road clearing operation ng mga pangunahing daanan sa ating lungsod.

Gayundin ang patuloy na pagmomonitor sa mga barangay upang makita, maalalayan at matugunan ang mga pangangailangan at masigurong ligtas ang kalagayan ng ating mga kababayan dahilan sa Bagyong Ulysses.

Bagamat bahagya nang humihina ang kanina’y napakalakas na hangin dulot ng bagyong #UlyssesPH, ay mahigpit na pinapaalalahanan parin po ang ating mga kababayan na mag-ingat at kung kinakailangan po talagang lumabas ay maging listo sa mga bumagsak o maaaring bumagsak na mga sanga ng punong kahoy, mga lumilipad na bubong o yero, mas lalong higit sa mga poste at kawad ng kuryente na maaaring natumba o nasira ng malakas na hangin.