Taos-pusong binabati ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz at nang nalulugod nating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang mga NAGWAGI sa naganap ng pagsusuri sa “Bakuran Ko, Gulayan ko 2020 sa Household/Individual Food Production Level at Barangay Food Production Level”.

            Nanguna si G. Marlon Diga ng Barangay Cabisuculan, samantalang pangalawang parangal naman si G. Ryziel Roxas ng Barangay Palusapis, at pangatlong parangal ang iginawad kay Gng. Aquilina Manuel ng Barangay Bagong Sikat. Nagkamit ng Php 50,000.00 ang unang parangal, Php 30,000.00 ang ikalawang parangal, Php 20,000.00 ang ikatlong parangal at Php 10,000.00 para sa consolation prize.

            Ikinagagalak ng ating Punong Lungsod na batiin ang Barangay Villa Nati na pinamumunuan ni Kgg. Alexander L. Natividad na nagkamit ng premyong Php 200,000.00, Barangay Naglabraham na pinamumunuan ni Kgg. Jaycee Dc. Blanco na nagkamit ng Php 150,000.00, Barangay Bagong Sikat na pinamumunuan ni Kgg. Celso S. Catabona na nagkamit ng Php 105,000.00  at ang Barangay Villa Isla, Barangay Cabisuculan, Barangay Clabalabaan, Barangay San Antonio, Barangay Maragol, Barangay Licaong at Barangay Palusapis na mga ngakamit ng Php 30,000.

Hinihikayat ng ating butihing Mayor na ang lahat ng kabahayan ay magkaroon ng sariling gulayan sa bakuran, bukod sa makakatipid ay mas masisigurong masustansya ang ating mga pagkain! STAY HEALTHY!

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog