Inilunsad ang una at pangalawang pagsusuri para sa magwawagi sa Bakuran Ko, Gulayan Ko 2020. Ang unang pagsusuri ay naganap noong Setyembre 15-25, 2020 at ang pangalawa naman ay nagsimula at kasalukuyang ginaganap nitong Nobyembre 4-6, 2020. Ito ay may dalawang kategorya, ang Barangay Category at Household Category.

Sa unang pagsusuri, nanguna ang Barangay Naglabrahan, sumunod dito ang Barangay Villa Isla at ang Barangay Villa Nati naman ang pangatlo sa Barangay Council food Production Level. Sa Household Food Production Level, nanguna ang gulayan ni G. Marlon Diga ng Barangay Cabisuculan, sinundan ito ni Gng. Milagros Apan ng Barangay Maragol at pumangatlo ang kay Gng. Aquilina Manuel ng Barangay Bagong Sikat.

Ang nasabing programa ng pamahalaan ay sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ni Dr. Jerry A. Rigos ng City Agriculture Office. Ito ay isang proyekto na nagsimula pa noong 2017 kung saan ang mga mamamayan ng Lungsod ay binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan at sapat na pagkain laban sa malnutrisyon. Ito ay sumosuporta sa proyekto ng United Nations Sustainable Development Goals para masugpo ang kawalan ng kapanatagan sa pagkain.