Naganap ang pag gawad ng parangal sa mga kababayan nating nagwagi sa “Bakuran Ko, Gulayan Ko 2021”, isang programa na makakatulong na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan at sapat na pagkain sa hapag kainan at laban sa malnutrisyon.

 Para sa BARANGAY FOOD PRODUCTION LEVEL ay nagwagi ang BARANGAY BAGONG SIKAT bilang 1st PLACE na nakatanggap ng Php 200,000.00 at plaka ng pagkilala, BARANGAY VILLA NATI naman bilang 2nd PLACE na nakatanggap ng Php 150,000.00 at plaka ng pagkilala, at BARANGAY PALUSAPIS naman ang nagwagi bilang 3rd PLACE na nakatanggap ng Php 105,000.00 at plaka ng pagkilala bilang parangal. Para naman sa mga barangay ng  SAN ANTONIO, NAGLABRAHAN, MARAGOL, LICAONG, CABISUCULAN, PANDALLA at BALANTE na kabilang sa nagwagi ng consolation price ay tumanggap naman ng Php 30,000.00 bawat isa at plaka ng pagkilala.

 Para naman sa HOUSEHOLD FOOD PRODUCTION LEVEL ay nagwagi si Gng. AQUILINA MANUEL ng barangay Bagong Sikat bilang 1st PLACE na nakatanggap ng Php 30,000.00 at plaka, Gng. RYZIEL ROXAS ng barangay Palusapis naman bilang 2nd PLACE na nakatanggap ng Php 25,000.00 at plaka, at si Gng. MILAGROS APAN ng barangay Maragol naman ang nagwagi bilang 3rd PLACE na nakatanggap ng Php 15,000.00 at plaka bilang parangal. Nakatanggap naman ng Php 10,000.00 at plaka ang mga nagwagi ng Consolation Prize na sina G. MARLON DIGA ng brgy. Cabisuculan, G. RODOLFO LAGASCA ng brgy. Palusapis, G. SEVERINO BAYSA ng brgy. Maragol, G. ALEJANDRO OLIVO ng brgy. Villa Isla, Gng. MARINA MANZANO ng brgy. Cabisuculan, Gng. CHERILYN ANN DACANAY ng brgy. Villa Isla at Gng. JOCELYN DESISTO ng brgy. Mapangpang.

 Binabati po ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.  ang mga Barangay at mga kabarangay natin na nagwagi sa “ BAKURAN KO, GULAYAN KO 2021”. Ipagpatuloy po natin ang pagtatanim ng gulay sa ating mga bakuran sapagkat “kung may itinanim, may aanihin at may kakainin.”