“Magtanim ay ‘di biro” at “kung may itinanim ay may aanihin”, kaya mga minamahal naming kababayan hinihikayat po kayo ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na makiisa sa ating BAKURAN KO, GULAYAN KO 2022. Ito ay isang paraan upang maibsan ang gutom at magkaroon ng tinatawag na sapat at seguridad sa pagkain na isang programa ng pambansang pamahalaan.

Sinimulan ang PANGALAWANG PAGSUSURI para sa BAKURAN KO, GULAYAN KO 2022 nitong OKTUBRE 5, 2022 na magtatapos sa OKTUBRE 11, 2022. Ito ay may tatlong kategorya, ang Barangay Council Food Production Level, Household Food Production Level at School Food Production Level.

Nagpapasalamat po kami sa lahat ng nakiisa at patuloy na nakikiisa sa ating proyektong BAKURAN KO, GULAYAN KO.