Napakalaking tulong po ng BAKURAN KO, GULAYAN KO 2022 sa ating mga barangay, household at mga paaralan sapagkat mayroon tayong mga pagkain na inaani sa bakuran natin, mga gulay na sariling atin.

 Huling Pagsusuri na po mga minamahal nating kababayan ng ating BAKURAN KO, GULAYAN KO 2022 na nagsimula nitong Disyembre 6, 2022 na magtatapos sa Disyembre 15, 2022. Ito ay may tatlong kategorya, ang Barangay Council Food Production Level, Household Food Production Level at School Food Production Level.

 Patuloy po naming hinihikayat ang bawat isa sa pangunguna po ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na magtanim ng gulay sa ating mga bakuran sapagkat napakasustansya ng gulay na makakatulong sa pagpapalakas ng ating mga pangangatawan at isip. Luntiang gulay, para sa kasapatan sa pagkain.

 “GULAY, pampahaba ng BUHAY”