Binabati po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating napakasipag at napakamatulungin na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang BanKo Science City of Muñoz Branch para sa mga Self-Employed Micro-Entrepreneurs (SEMEs) sa kanilang pagbubukas nitong Oktubre 27, 2022. Ang layunin ng BanKo ay makapagbigay sa mga consumer nito ng madali, maginhawa at abot-kayang  paraan na makakuha ng mga produkto ng microfinance. Ito ay nakatuon o nakabaling  sa Self-Employed Micro-Entrepreneur o SEME.

 Tulad ng pagbibigay ng kalidad na serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa ating lungsod at mamamayan nito ay inaasahan po namin na ganoon ding kalidad ng customer service ang inyong maibabahagi. Napakalaking benepisyo po ninyo sa ating mga kababayan.

 Hiling po ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI na maging masagana at maayos ang inyong operasyon mula ngayon at sa mga susunod pang taon.

 Sama-sama po tayong maglingkod ng my kalidad at may ayos sa ating mahal na lungsod at sa ating tinatanging mga mamamayan. Mabuhay po ang lahat!