Sa pangunguna ng ating aktibong Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ay isinagawa at sinimulan ang Barangay Bakuna Caravan para sa mga mamamayan ng Science City of Muñoz kahapon, Nobyembre 3, 2021 sa Barangay Bantug. Pinapaalala po namin na bagamat mayroon po tayong Barangay Bakuna Caravan ay mananatili pong bukas para sa lahat ng taga Science City of Muñoz ang pag babakuna sa ating Pag-Asa Gymnasium.

 Huwag po natin kakalimutang magdala ng ating valid ID para sa ating pagkakakilanlan, sariling ballpen at mahigpit po tayong sumunod sa ating minimum health protocols. Magsuot ng faceask at faceshield at panatilihin ang physical distancing upang masigurong tayo at ang ating kapwa ay ligtas sa banta ng Covid-19.