Umulan man o umaraw, walang patid ang ating Lokal na Pamahalaan sa pagsasaayos ng ating mga daan dito sa Science City of Muñoz at pamamahagi ng food packs. Tuloy-tuloy tayong maghahatid ng kasiyahan at kaginhawaan anumang klaseng panahon ang mayroon dahil ‘yan ang bilin ng ating City Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.
Malugod po naming ibinabalita na sementado na ang 0.5 kilometrong kalsada sa Brgy. Calisitan na binasbasan nitong April 6, 2021 ni Rev. Fr. Ariel Capuyon. Lubos ang pasasalamat ng ating tanggapan sa pakikiisa at pakikipag-ugnayan ng Brgy. Calisitan at ng ating mga volunteer upang mas maging maayos ang paglilingkod natin sa ating mga kalungsod.
#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan