Noon pa lamang ay isa na sa ating problema ang pagtaas ng unemployment rate kung saan mataas ang bilang ng ating mga kababayang walang trabaho. Isang magandang balita mga kababayan, sapagkat ngayong araw, Hulyo 6, 2021 ay isinagawa ang isang orientation para sa ating mga Barangay Healthy Economic Recovery Officers (HERO) sa pangunguna nina Ms. Ester De Lara, Ms. Justin Salas at Mr. Ronnel Ronase ng Department of Labor and Employment at ng Science City of Muñoz PESO.

 Bawat barangay ay naatasan na magtalaga ng isang Barangay HERO upang magsagawa ng survey sa mga nasasakupan at sa mga establisyemento nito upang malaman ang bilang at mga kakayahan ng mga walang trabaho rito.

 Ngayong pandemya ay lalong tumaas ang unemployment rate sa ating lungsod kaya’t maaasahang makikiisa ng may puso at sigla ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. upang maibangon ang mga kababayan nating nangangailangan ng trabaho.

 Laging tatandaan na sa Muñoz may pag-asa ang lahat!