Marami ang nakisaya sa ginanap na Barangay Night kahapon, January 14, 2020 sa Science City Gymnasium.

Dumalo sa nasabing programa sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Vice Mayor Ramon Angelo R. Coronel, Coun. Benedicto R. Laurena, Coun. Herminio Salcedo, Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Henry Agaloos, Mr. Crismelito Catacutan, CLGOO, PLtCol. Gerald Licyayo, ABC President Mr. Alexander Natividad, Dr. Larry Espiritu, Mr. Juan Evangelista – Former Brgy. Officials Head at Mr. Allan Garcia – representative of Sen. Bong Go at President of Camp John Hay Management.

Nagbigay ng pampasiglang bilang ang mga mag-aaral na nanalo sa isinagawang Dance Festival noong January 7. (Elementary at Secondary Level)

Sa programa, pinarangalan ang mga sambahayan na may matataas na food production level o Household Food Production Level kung saan Rank 13 ang sambahayan ni Ms. Lucena Dimalanta at Rank 12 ang sambahayan ni Ms. Lalaine Cuaresma na kapwa taga-Brgy. San Antonio, Rank 11 si Ms. Ernalyn Lagasca ng Brgy. Palusapis, Rank 10 si Mr. Alejandro Olivo ng Brgy. Villa Isla, Rank 9 si Mr. Dionisio Lagliba ng Brgy. Cabisuculan, Rank 8 si Ms. Rosalinda Galleto ng Brgy. San Antonio, Rank 7 si Mr. Severino Baysa ng Brgy. Maragol, Rank 6 si Ms. Arceli Revollo ng Brgy. San Antonio, Rank 5 si Ms. Marina Manzano ng Brgy. Cabisuculan at Rank 4 si Ms. Aquilina Manuel ng Brgy. Bagong Sikat. Lahat sila ay nakatanggap ng sertipiko at ₱8,000 consolation prize each.

Rank 3 naman ang sambahayan ni Ms. Milagros Apan na nakatanggap ng ₱15,000 cash prize, Rank 2 ang sambahayan ni Mr. Marlon Diga na nakatanggap ng ₱25,000 cash prize at nakuha ng sambahayan ni Mr. Rodolfo Lagasca ang Rank 1 na nakatanggap ng ₱30,000 cash prize.

Para naman sa Barangay Food Production Level , Rank 13 ang Bical, Rank 12 ang Franza, Rank 11 ang Pandalla, Rank 10 ang Licaong, Rank 9 ang Linglingay, Rank 8 ang Naglabrahan, Rank 7 ang San Felipe, Rank 6 ang Villa Nati , Rank 5 ang Cabisuculan at Rank 4 ang Villa Cuizon. Lahat sila nakatanggap ng plaque, sertipiko at ₱10,000 consolation prize each.

Isa pang parangal ang tinanggap ng Brgy. Linglingay bilang Most Supportive Barangay. Certificate of Recognition naman ang iginawad kay Hon. Benedicto A. Mendoza bilang stakeholder ng 3rd runner-up Elementary level-Medium School Category in 2019 Division Search for the Best Implementers of Brigada Eskwela during National Schools Maintenance Week at isa pang Certificate of Recognition ang kanyang natanggap para sa kanyang mahusay na pagsuporta at kontribusyon para sa ikahuhusay ng mga school programs at projects for the School Year: 2018-2019. Certificate of Appreciation naman ang iginawad kay Ms. Zoraida Espino para sa kaniyang hindi matawarang pagsuporta bilang miyembro ng Evaluation Team para sa Brgy. Food Production Advocacy using New and Appropriate Agricultural Technology: Bakuran Ko Gulayan Ko 2019.

Nagkaroon rin ng mga raffle prizes kung saan nanalo ng mountain bike sina Hermogenes Cabanisas ng Pob. North, Analyn Lazaro at Lorna Rodriguez ng Pob. East, Angelo Mananes Jr. ng Magtanggol, Renato Peralta ng Bical, ABC President Alexander Natividad ng Villa Nati, Soledad Pilapil ng Pb. South at Kap. Myrna Dacanay ng Villa Isla.

Napanalunan naman ni Ricardo Canta ng Sapang Cauayan ang Flat Screen LED TV. Si Alvin Lucas ang nagkapag-uwi ng Refrigerator at si Edmund Pascual ang masuwerteng nanalo ng washing machine.

Ginanap ang Barangay Night bilang bahagi ng ating 7th Uhay Festival.