It’s Party Time mga kabarangay! Nag-enjoy po ba ang ating mga kawani ng barangay at lahat ng dumalo sa ating masigla at masayang BARANGAY NIGHT 2023 nitong January 14, 2023 sa ating Pag-Asa Gymnasium?  Sure, na sure na nagsaya ang bawat isa sa gabi ng barangay.

Itaas ang kamay ng mga nanalo sa mga raffle! Naiuwi po ba ninyo ang mga naglalakihang FREESTANDING COOKER, WASHING MACHINE, TV at iba pa, congratulation po sa inyo at ‘sana all’.

Deserve po natin magparty party paminsan minsan upang matanggal ang mga stress at makabawi sa pagod sa ating paglilingkod. Mahalaga din ang mga ganitong pagsasama-sama sapagkat mas napapatibay nito ang pagkakaisa at samahan ng bawat isa upang mas maging magaan at masaya pagbalik sa ating mga trabaho.

Nakisaya sa ating BARANGAY NIGHT 2023 ang ating napakaaktibo, napakabait, napaka-supportive at syempre napakagandang TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang ating SUPER VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ; Vice Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong City; Cong. Joseph Violago; Mr. Crismelito R. Catacutan, CLGOO; Hon. Alexander L. Natividad; mga konsehal ng lungsod; mga punong barangay; mga kawani ng barangay; at iba pa.

Nagbigay naman ng pampasiglang bilang ang mga nagwagi sa naganap na PISTA NG MGA KATUTUBONG SAYAW upang ipamalas ang natatangi nilang galing at talento sa pagsayaw.

Talagang sisiguraduhin ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na mageenjoy ang lahat dahil ang ikakasaya ng kaniyang nasasakupan ay kaniya ding kasiyahan. Mabuhay po kayo nag-iisang TITA MAYORA BABY ARMI ng SCIENCE CITY OF MUÑOZ! Mabuhay Muñozonian!