Magandang balita, mga Muñozonian! 0.5 kilometrong kalsada sa Purok 5, Brgy. Pandalla ang pinasinayaan at binasbasan nitong Abril 8,2021. Dinaluhan ito ng mga kawani ng LGU at mga volunteer.

Lubos po ang kasiyahan ng pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., na ibalitang patag nang madadaanan ang bagong kalsada ng Pandalla. Dating baku-bakong daan ay patag nang magagamit ng lahat ng mamamayan!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan