Puspos na pasasalamat mula sa Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang handog sa SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD, SAGRADONG APO, APO XI ALUMNI ASSOCIATION 208, APO CLSU XI CHAPTER at sa Science City Alpha Phi Omega Alumni Association o SCAPOAA NO. 193  para sa kanilang kontribusyon at aktibong partisipasyon sa loob ng tatlong (3) araw na BAYANIHAN, BAKUNAHAN (Alay Gamot at Tubig) na ginanap sa Science City Gymnasium noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021. Ang nasabing aktibidad ng tatlong araw ay nakatulong sa 2,750 nating mamamayan. Pagpalain po ang mga kapwa natin at mga organisasyon na walang humpay na tumutulong sa mga aktibidad ng pamahalaang lokal at national.