Magandang balita ang handog ng Lokal na Gobyerno ng Lungsod Agham ng Muñoz sa patuloy na pamamahagi ng rescue ambulance sa limang barangay. Ang mga naturang barangay ay ang Calabalabaan, Catanalacan, Balante, Bagong Sikat at Mapangpang. Ang pamamahagi sa mga punong barangay ay pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D., Coun Rodney S. Cabrera, Coun. Jerry S. Fulgencio, ABC President Alexander A. Natividad, at Mr. Arnel M. Ruz nitong June 18, 2020 sa City Hall Grounds.

Malaking tulong ito sa pagbibigay serbisyo publiko para sa ating mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.