Mabuhay Monday!

 Pagpapala ang hatid ng lunes sa ating lahat! Mga kababayan pagkatapos po ng ating lingguhang flag raising ceremony ay binasbasan po ni Fr. Menardo Natividad ang ating bagong ambulance ng Bureau of Fire and Protection (BFP) sa pangunguna ni TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at SINSP ARNULFO A. POL, Acting City Fire Marshal. Malaki po ang maitutulong nito sa pagsagip ng mga buhay.

 Pagkatapos ng pagbabasbas ay masayang binati ng ating mabait na TITA MAYORA BABY ARMI ang lahat at nagpasalamat sa walang kapantay na pagkakaisa at pagtutulungan. Dahil ayon sa ating TITA MAYORA, ang pagkakaisa ang daan patungo sa masaganang kinabukasan.