Mabuhay Bureau of Fire Protection!

 Isang pagpapala pong muli ang ibinahagi sa ating mahal na lungsod sapagkat nitong Disyembre 10, 2022 ay naganap ang Turn Over Ceremony of 86 Units Ambulance kung saan isa ang Bureau of Fire Protection ng ating lungsod na pinapangunahan ni SINSP ARNULFO A. POL, Acting City Fire Marshal, sa nabahagian ng Ambulance (type-1 Basic Life Support). Naganap ang pamamahagi sa BFP National Headquarters, Agham Road Brgy. Bagong Pag-Asa Quezon City.

 Lubos pong nasiyahan ang ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sapagkat malaking tulong ito para sa ating mga minamahal na mamamayan! Alam naman po ng lahat na walang ibang iniisip ang ating TITA MAYORA BABY ARMI kundi ang ikagaganda, ikakaayos at ikauunlad ng ating lungsod at ang kapakanan ng mga mamamayan nito.